Sunday, February 11, 2007

COCKROACH!!!

Hehehe.. Hello guys.. Today is Tuesday.. 01-23-07

Honestly speaking.. napilitan akong mag-type ngayon kasi i'M HUNTED BY A F***ING COCKROACH..!!!

I'm here at my lair (my working station in my father's office), peacefully doing my homework in Filipino.. When this matured cockroach slipped out under my computer/table..
I was so shocked that I bumped my knees on the keyboard so hard... Syet! I think magkakapasa na naman ako.. (minamalas talaga ako sa mga pasa..)

Eh di gumagapang na siya sa paanan ng office chair ko.. As an instinct naman, papatayin ko talaga yung ipis.. So.. Ginulong-gulong ko yung office chair ko para mapisat yung ipis.. La na pake kung mag-amoy bulok pa yung office chair ko or kumalat yung internal organs sa sahig (hehehe.. para hindi mabantot pakinggan unlike laman-loob..)..! Basta MAPATAY KO LANG YANG LETSENG IPIS NA YAN!!!!

Matapos ang maybe 3-7 seconds of trying to pisat the ipis.. Napatumba ko rin..! Kasi may dumikit na alikabok sa kanya.. Yun yung tipong nagkakamot ng likod yung ipis.. Hehehe.. Buti nga sa kanya! Hindi na makatayo yung ipis.. HAHAHAHA!! Pero siyempre, hindi pa rin ako matahimik 'no?! Pinagmasdan ko siyang mag-panic dyan habang pilit na inaalis yung alikabok sa mga malalagkit niyang kamay..

And the worse thing came.. nakatayo siya.. I mean, nakadapa pala.. Or whatever you call it.. Tapos naka-akyat pa siya dito sa computer/table ko..!!!!!
Eh di siyempre, nag-panic ako..! (sa mga naka-kita na ng aking computer/table.. I know you can relate..) Pinilit kong alugin/pagulong-gulungin yung computer/table ko para lang mapisat yung ipis sa pader.. Syet! Kahit na mabigat! Whew!!!


OK.. Goosfraba.. My greatest fear came.. SYET! LUMIPAD YUNG IPIS..! Nagsisisigaw ako sa lair ko na parang sira.. Tumakbo pa nga si ermats para puntahan ako eh.. at dahil see-through yung pinto sa office.. kitang-kita ako ng mga kapamilya ko na nagwawala dito sa office.. Tawa naman sila..!

Hay.. noong nag-land na siya sa airport, inabangan ko siya..=)
pagkakataon nga naman na sumuot siya sa ibang mga tiles ni erpats.. Hindi na ko nagdalawang-isip..!
pinipi ko na siya dun..! Hahahaha!!! Buti nga sayo..! Peste!!
Pero hindi ko sure kung napisat ko talaga sya.. Kaya nga pasimpleng tumitingin ako sa area na yun.. Just to check if buhay pa yung buset na ipis na yun..

Hehehe.. Teka.. hindi ko na natapos yung homework ko..

SONGS AT PLAY:
Broken - Seether & Amy Lee
Right Here - Staind
She is - The Fray
Its not over - Chris Daughtry
Kabet - Kyla & Gagong Rapper (pucha.. isasama ko pa ba 'to..? ehem.. napakinggan ko naman talaga eh..)

Thank you guys for reading another masterpiece of mine.. Watch out for more..!

A new beginning..

Hi.. Nandito na naman po ako.. nagbabalik matapos ang ilang milenyong pagliban..

Ehem.. Wala naman ako masyadong makukuwento sa inyo kasi katatapos ko lang nung homeworks ko.. Hay.. Grabe.. nung binasa ko yung article about genetics sa World Book Encyclopedia (PC).. parang madaling intindihin.. kaya tinamad na naman akong magbasa kasi parang madali.. wala rin masyadong mga illustration.. Hay.. Napakagaling naman ni Papa Gregor Mendel.. Imbes na suwayin nya ang kanyang act of celibacy ay nag-experimento na lang ng mga mani..

Well, based from an experience, ok naman talaga ang feeling kapag may overnight experiment ka.. you'll never know what will happen.. Tulad nung Grade 5 experiment namin sa HELE.. overnight mong ibababad yung mangga (syet! natakam tuloy ako sa mangga at bagoong..) sa saltwater and isa sa ordinary water... So good.. Yun sana yung mas gusto kong gawin sa mga science subjects tulad ng Biology at Botany.. Pero.. honestly.. no offense sa mga enjoy mag-Botany.. Hindi ko talaga feel yang Botany na yan.. I mean.. hindi ko lang feel yung presence ni Ma'am Tividad.. Para kasing may impression sya sa akin na kakaiba.. Parang napaka-pikon nya at medyo may pagka-obnoxious..

Anyway.. Lumawak na naman yung topic na simpleng pagtitig ni Papa Gregor sa mga mani nya to pagiging obnoxious ni Mrs. Tividad..

Hay.. Eto pala..
Dahil first article ko to ngayong 2007 at papalitan ko na rin ang aking blog.. Meron akong mga terms na iintroduce sa inyo para naman maintindihan nyo ang mga tinatalak ng amoy-french fries kong bunganga..
1) I would call my articles MASTERPIECES..
2) I would inform you what song I'm listening to during the TYPLIFICATION of my masterpiece..
3) And because wala pa kaming permanent internet connection dahil doon na kami magpapakabit sa bahay namin sa Pasig, Sasabihin ko na lang din kung kelan ko to pinost..=)

OK.. right now.. I'm currently listening to HIGHER by Creed.. Kahit na hindi ko masyadong ma-understand ung mga kinakanta ni Scott Stapp (vocalist).. So good music.. I'll rate it... ****

So.. Gotta go na.. tapos na yung kanta eh.. bay!