Meeting place.. Syempre, sa McDo, ang meeting place ng Mandsci.. 5pm sharp. (daw..) hinintay pa namin si John.. Sabi pa ni Bryan, kasama daw si Marc.. Pero, dahil hindi naman sya madalas ma-late, naisip namin na baka tulog, nagpapatangkad.. Kaya yun.. iniwan na.
eto ang mga sumama.
Jacob
Aura
Bryan
Daniel
Paolo
Ced
Melo
Annlo
Tasha
Loann
Cheska
Anna
Diana
Mikhail
John
Arlene
Ferdyn
Joyce*
Mam Doan*
Nung makita ko na marami-rami pala yung sasama, kinilabutan na ako.. Kasya ba sa Starex ito..? Trivia lang.. 18 yung pasahero.. Bwahahahha! You can't imagine how crowded we were in there... dumating kami, 7pm..
Ayun.. may nagpartycrash pa, si mam Doan.. Nakwento ko kasi sa kanya na may overnight samin through text.. hala, sumama na! buti na lang, hindi sya nakisabay sa Starex.. Pipit na kami sigurado!!
So, they arrived at my house.. hindi naman dapat mabibigla kasi pinakita ko na yung picture ng bahay namin and marami na rin yung nakapunta dun nung bday ko.. pero, may nawindang pa rin.. yung mga tipong, "wow, Angel!! Mansion nga!!" o di kaya "gosh, ang laki!"
So, yan, kumain..dumating si Joyce, buti na lang nakahabol sya. (its better late than never!)
Naglaro din kami sa court/playground ng gabi.. Sayang talaga yung volleyball court kung may bola lang kami..
Bumalik kami, mga bandang 8:30pm na yun.. So pinapili ko na sila kung saan sila matutulog.. bedroom, sala or rooftop. They chose ROOFTOP.
eh, pano ba yan? super lamig pa naman nun!! Gabi, umaambon tapos winter season pa!
Anyway, nais nilang uminit man lang ang kanilang mga nanginginig na katawan.. So, naglabas na ng mga baraha!!!!
4 yata yung nagdala ng baraha nun.. hehe!
bored pa rin.. so bumaba yung iba sa sala at nanood ng Pretty Woman starring Richard Gere at Julia Roberts. (todo kilig si Aura eh!)
Well, there's
=spin the bottle. (so funny na pinapagalitan na kami ng nanay ko kasi nagtitilian kami kahit 2am na ng madaling-araw.. sa sobrang ingay, rinig na ng buong greenwoods yung crush nina.. *toot* na si *toot*..)
=secret game (hahahah!)
=ghost stories
sa simula, 4 na tao lng yung nagkukuwentuhan.. tapos nagka-asaran na may mumo.. sabi ni Cheska, "oo nga eh, marami na akong nararamdaman" ayun, nagkwentuhan na.. si Ced, malupit yung kwento nya.. nawindang na yung iba.. grabe, hindi ako makapaniwala na magkukuwento ako sa kanila.. nanginginig na ako sa takot at lamig.. niyayakap na ako nina Dan at Jacob nun kasi nanginginig na ako.. sabi pa nila, itigil ko na raw kasi baka may masamang mangyari... pero tinuloy pa rin namin.. dahil sa takot, bumaba kami sa sala galing sa rooftop.. pero, nakwento ko na nga.. ayaw ko na ituloy pero namimilit pa rin sila..) nagpray kami nun after that..
sayang din, umuwi si Tasha. sinundo sya ng parents nya..(2am) Pero bumalik din siya ng mga 7am!
=chat-chat with lovelife (binuksan ko yung wi-fi tska laptop.. ayun, nagfriendster na yung iba at nakipagchat pa kay AJA!)
=syempre, mawawala ba yung mga usapan tungkol sa mga teachers, classmates (na wala nung overnight, kaya sorry na lang), lovelife issues, manga/anime, books, graduation, college, courses, family
=grabe, makakapaniwala ka ba..? kahit kasama mga bebe na total advocates ng INUMAN, hindi nagkaroon ng inuman samin.. hehehe.. So, sa mga parents na nag-aalala noon, HINDI NAGKASALA ANG MGA ANAK NILA. pero may disadvantage din.. kasi inubos naman nila yung 3 kahon ng kape namin dito sa bahay. nakadalawang kulo rin ng tubig para sa kape na yan..
excited na rin, kaya naligo na yung iba, kahit malamig.. so habang nagkukuwentuhan, may nagsisipilyo sa tabi namin, nakikinig..
Ayun.. walang tulugan pa rin.. yung iba, bumigay na. himbing na himbing yung tulog nina Aura, Cheska, Diana, Mikhail, Ferdyn, etc.. nabasa yung unan ko ng laway. ewan ko kung kanino yun pero, tsk.. malala na talaga.
So, natulog na nga yung iba.. nagising na sila, mga 7am na.. Ayun.. doon naglabasan ang mga bathing suit at trunks ng mga tao.. gusto daw magswimming! hala! eh ang lamig-lamig nga eh!! and to think na hindi ko naman sinabi na mags-swimming.. kusa talagang nagdala!! so nag-arkila kami ng pool at naglakad papunta dun.. (mahaba-habang lakaran ito.. kawawa nga yung iba eh. excited sana, naka-handa pa yung twalya.. pinaglakad ko sila ng 6 na kalsada.)
wala na nga pala si Aura nun kasi may something with her dad.. so she went home early.. mga 9am..
sa Resort, tanggal na kagad ng damit, wala ng sunblock-sunblock! nag-dive na kagad sa pool.. BIG MISTAKE, kasi mas malamig pa yung pool kesa sa rooftop namin ng madaling araw.. parang mga basang sisiw na nanginginig na yung mga tao.. si Melo, todo-deny pa eh, "WOOOOO! grabe! hindi malamig!! ang init! nakakapaso!"
And, dumating ang merienda, BROAS.. (yun yung biscuit na nasa malaking lata..) nagduraan ng broas, nagpakain sa pato, nagkalat sa pool.. Grabe talaga!!!
Syempre, lunchtime, parang sa isang normal na outing, kumain kami ng lasang chlorine yung kamay.. Pero ok na rin kasi mainit-init yung kinain naming Meatballs with misua.. (yum!)
kahit tanghali na, hindi pa rin umahon yung iba!! nagpaka-Michael Phelps pa at nag-diving lessons!
habang nagpapa-itim yung iba, kaming mga sobra nang tinamaan ng lamig, tumigil na sa pagswimming.. pumunta na lang kami dun sa mini-zoo.. "kumain ka na?", sabi nung maya.. OW SHET! NAGSASALITA YUNG MAYA! namulot din kami ng mga nahulog na feathers ng mga ibon at ginawang remembrance/souvenir mahirap talagang kumuha ng balahibo kasi baho ng ipot yung kelangan mong tiisin..
at last, umahon na rin yung iba.. grabe yung itim nila! lalo na si Mikhail, talagang ebony-black na yung mga hita nya sa sobrang babad sa tubig eh! hahahahah! as usual, nagshower ng sabay-sabay.. naghakot ng mga basang damit at towel... then, balik-"mansion" na ulit..
pagdating sa bahay, biglang bagsak na kami sa sobrang pagod.. inubos na naman ang isa pang kahon ng kape at nag-merienda.. Yung iba, pumunta pa sa playground para magvolleyball.. yung iba (including ako), hindi na kinaya, nag-amplify na yung gravity pull samin sa kama..
So yun.. it turned 5pm.. uwian na.. nag-ayos na ng mga bag, damit, unan, kumot, baraha, gitara, sapatos... Hay.. as usual, mukha na namang sardinas yung mga yun sa sasakyan.. nagpunta pa ata yung iba kina Cheska nung pagkahatid sa kanila sa mcdo! (nabitin na ng todo)
Pagkakita ko sa mga iniwan nila, gosh, bahay ko pa ba ito..? parang refugee camp na sa sobrang gulo..
pero at least, I had fun.. grabe.. nag-enjoy talaga ako.. parang yung feeling, its once in a million years.. todo bonding, no open forums, no insults, no "parinigan".. just memories from one of the best things you can do with FRIENDSHIP.. its a thing no book can print or teach, no person can accurately retell, no other class can experience..
Yun nga lang.. yung mga kasama ko sa overnight.. I'm glad to have them.. I don't regret every single moment with them.. Wish ko lang na sana, yung mga tao na maituturing na closer to my heart, sana, pumunta.. well, new friends.. its worth the eyebags.
Just to add something, eto yung mga nakain namin:
- Sinigang na baboy
- Kanin
- Ridges (bbq and cheese)
- broas
- pandesal
- loaf bread
- banana cue
- fish crackers
- kapeng mainit
- e-aji dip snax
- meatballs and misua
- fried chicken
- yun lang ata.. kung meron pang iba, hindi ko na matandaan.. baka kasi naubusan or hindi na ako nakakain sa sobrang bilis ng pag-ubos..
Well, di na kinaya nina Paolo at Jacob yung lamig.. mga isang minuto lang ata sila.. di pa nga umabot sa kabilang dulo ng pool eh..!
No comments:
Post a Comment