Wednesday, October 29, 2008

10-29-08 (babysitting!)


Hay, ang sarap isipin na umabsent ako sa isang practice namin. Haha! (For once!) Eh kasi naman, sino bang panganay ang hindi manggigilaiti sa sarili kung lustayin nya ang kanyang bakasyon kasama ang mga kaklase nya kung sa bahay ay naghihirap ang kanyang ina sa pag-aalaga ng kanyang kapatid na wala pang isang linggo ang gulang..? (ang haba ng tanong.)

Anyway, Minsan lang ako magtagalog sa blog ko kaya lubus-lubusin na!!
So, I present, A movie review!!!

Ayun, so katatapos ko lang manood ng movie, Curse of the Golden Flower, ang talagang nawindang ako. Hindi naman sa hindi ako madalas makanood ng mga war movies na katulad noon. Pero talagang nawindang ako sa sobrang kulay ng movie. Halos lahat na ata ng kulay, pinakita sa bawat scene.. Haha! And, ito pa, talagang ginamit ng China ang kanilang advantage ng pagiging most populous country in the world! Mawiwindang ka sa dami ng extra na nandun.. As in! Kung sa mga artista, masasabing star-studded yung movie. Chow Yun Fat, Gong Li, at Jay Chou. Hay, kung medyo hindi ka makarelate sa mga artistang kapwa mo Asyano, i-Wiki mo na! Dapat naman may kilala ka sa kanila ano?!

Lalo pa akong na-inlove kay Mama Gong Li sa movie. Solid yung portrayal nya sa movie as mataray and medyo baliw na Empress! Plus, nakadagdag sa ganda points nya ng todo yung mga damit nya as Empress, kahit dugu-duguan na lahat, yung haggard look nya, astig pa rin! And if you still don't know Gong Li, sya yung Hatsumomo (bad geisha) sa Memoirs of a Geisha. Di mo pa rin alam?! baka naman masyado kang nakapokus sa Kanlurang bahagi ng mundo!?

Jay Chou. The name says it all. Sa totoo lang, Jay Chou, parang English name ng isang miyembro ng Asian boyband. Pero nang makita ko na yun yung pangalan ng isa sa mga bida sa movie na ito, Hala, convert ako into an Asian movie fanatic eh! Jay Chou is the second son of the Emperor and the first son of Empress sa movie. Napakagaling nya sa martial arts, and ginawa pa siyang head ng Imperial Guards sa super galing nya. Kumpara mo naman dun sa playboy at lampayatot na Crown Prince na unang anak nung Emperor. Haha!
(i-Wiki mo na lang!)
Chow Yun Fat. Lalo pa akong nainis sa pagmumukha nya kasi mukha siyang mayamang rapist. Kahit dun sa Crouching Tiger, Hidden Dragon, talagang uber-inis na ako sa mukha nya kahit bida sya! And merong part na pinatay nya yung bunsong anak nya dahil pinagpapapalo nya ng sinturon na gold. Langhya, masakit yun. Naalala ko tuloy yung Lathalain ko about "sa muling dampi ng sinturon"

Hay, kulang pa kasi yang mga pag-rereview ko, you just need to see the movie para mafeel mo yung ecstasy.

Sorry na lang sa mga colorblind. Talagang mabibighani ka sa ganda..=)

Another movie, Wicked Little Things.
Hay naku, contrast sa Curse of the Golden Flower yung reaksyon ko dito.
Ampangit! Dinadaan na lang sa sindak at laman-loob yung movie. Para na syang killing spree, hindi na ghost movie.

Pano ba naman, mga bata kasi yung mga zombie dito, eh, hello?! parang pinulbuhan lang yung mga bata tapos nilagyan ng ketchup yung bibig. Eto pa, hindi talaga mukhang mga zombie yung mga yun kasi, mga bata nga, hindi sila naglalakad na parang mga zombie. Aba! Tama pa ang stance ng pagtakbo. Plus, yung mga damit nila, all black at mukhang bago! diba kapag zombie ka, galing ka dapat sa lupa?! Aba, yung damit nila, ang linis!

And, eto pa, they casted unknowns for the movie, dapat naman siguro na maganda man lang sumigaw yung mga artista no?! parang nakakita lang patay na ipis yung pagsigaw nila! ang OA pa umiyak! Meron pa isa, yung bunsong anak nung babae, na di umano'y nakipagkaibigan dun sa isang zombie, parang hindi na bata! parang grade 5 na nga eh, diretso na magsalita at mukha namang may muwang sa mundo, hala, napaamo pa ng multo! ewan ko kung stressed out lang yung bata sa kawalan ng katalinuhan ng ina't kapatid nya, pero as in nakipagkaibigan sya sa multo, hello..?! baka hindi talaga mukhang multo yung multo, kasi nga mukha lang espasol na black yung cover yung multo!
Pero, meron pa namang maganda sa movie. Yung gore factor, medyo OK pa naman, nasindak pa ako sa pagkain ng mga zombie sa patay na baboy. Yun lang siguro. =)

Well, alam kong malalagot pa ako sa mga kaklase ko ngayon kasi nagppraktis pa sila. Pero wala tlaga akong magagawa sa ngayon, momma says I need to be here. And as of now, I am.. =(

NOWplaying: (shuffled)
Toxic - Nickel Creek
Time - The Greencards
Goodies - Ciara
White & Nerdy - Weird Al Yankovic
This Side - Nickel Creek (sweeeeet! overlooked kanta sa baul of songs ko!)
Dinner at the Money Table - The Early November
Blurry - Puddle of Mudd (labet!)
Come get some - Rooster
I'm not over - Carolina Liar
Remembering Sunday - Yellowcard
Show me what I'm looking for - Carolina Liar (love this..=)

No comments: