Thursday, March 15, 2007

NATed...

Good evening..! today is 03-13-07..!

we had our "a-matter-of-life-and-death" NAT.. Hehehe.. doon po nakasalalay ang aming 30% grade.. At higit sa lahat.. ang image ng CMSHS.. Hehehe.. hindi ko lang po masabi ng maayos..

Pero feel ko, mas mabuti pa para sa iba na maganda image ng school kaysa mag-enjoy ang mga students sa pag-aaral.. Hay, pressure talaga.. Ewan.. masyadong komplikado ang mundo ng high school.. paano pa kaya kung presidente ka ng Pilipinas.. or ng USA..? Or ambassador ka ng Earth.. Grabe talaga.. from such simple organism.. a unicellular organism.. nag-evolve tayo nang ganito.. hindi ko lubos maisip kung gaano tumagal ang ganong mutation..

Hehehe.. pag-uwi ko pala, nanood ulit ako ng The Departed.. Hehehe.. Ang plano ko kasing panoorin kanina.. is Apocalypto.. kaya lang.. na-turn off ako kasi unang scene ay kadiri.. pinakain yung isang guy ng wild boar testicles.. Kumakain pa naman ako nun ng lunch.. syempre.. bye-bye na!Hehehe.. kanina pala.. nag-finger-cross kami nina RC na teacher na gwapo ang maging proctor namin sa NAT.. syempre, hindi natupad.. expected na talaga.. Babaeng matanda yung proctor namin.. Hehehe.. Meron ngang lalaking proctor, kamukha naman nung vocalist ng Itchyworms.. pero slightly thinner.. Hehehe.. Hay naku, feeling ko talaga..

makaka-30 plus lang ako sa NAT.. Medyo naguguluhan kasi ako sa mga tanong.. Medyo mahaba-haba rin yung mga tanong sa AP.. kaya naman hindi ako nakapag-concentrate na basahin ng paulit-ulit.. Hehehe.. Grabe talaga..

Sa final counting, wala na talaga ako sa Top 10.. Bakit pa kasi ako nangangarap na makasama pa sa kapirasong short bond paper na yan..? I don't know.. I don't enjoy naman the glory of being there.. What's the difference ba..? Honestly, noong natanggal ako sa Top 10, I somehow felt good.. kaya na-focus ako sa pag-enjoy ng schooling.. Yan tuloy, nakapasok na naman ako.. bad trip talaga.. parang kasi sa akin, mas mahirap mag-maintain.. Because the only way instead of the dead end is to go back.. Hehehe.. Grabe.. I don't know.. feeling ko, hindi ko pa kayang mag-break ng boundaries.. hehehe.. kung dead end na yan.. kelangan pang gumawa ng road beyond it.. Hay... ewan ko ba, mahilig akong gumawa ng mga quotations pero ang simpleng "Ang hindi magmahal sa sariling wika... ", hindi ko pa magawa..

Okay.. for your info rin pala, wala na kaming field trip forever.. Subic dapat ang pupuntahan namin kaya lang, binara namin si Sir Septimo, yan tuloy... na-flush down the toilet yung excitement ng aming principal... Hehehe.. siguro, enjoy ko na lang sarili ko sa Intrams.. hehehe.. (kung meron pa rin..) Bahala na..

You know, people, when I see myself in the full-length mirror dito sa aking workspace, napapaisip ako.. Ano na magiging kinabukasan ko..? lalo na kapag hindi ako nag-aral sa exam.. Hehehe..

Sige na nga, mag-aaral na ko.. Itutuloy ko na lang ang mga HINAING NG MATABANG PUSONG PUNO NG CHOLESTEROL AT MARUMING ISIPANG SAID NA ANG BRAIN CELLS..

NOW PLAYING:
Officially missing you (remix) - Tamia
First cut is the deepest - Sheryl Crow
Especially for you - MYMP
Here without you - 3 Doors Down
This Time - Jojo
Someday we'll know - Moore & Foreman
Could not ask for more - Christian Bautista

No comments: