Thursday, March 15, 2007

Tinimbang ka ngunit kulang..

Good afternoon po sa lahat..!

Kakauwi ko lang po mula sa makapagbagang 4th periodical exam.. Ano na pala yung topic ngayon..?Uhhmmm.. Yeah..

Dahil puro papuri sa foreign movies yung pinagtatatalak ko kahapon.. local movies naman.. Kung mga kasing edad ko makakabasa nito, siguro, hindi kayo masyadong makaka-relate.. Kasi ang mga movies na talagang maipagmamalaking Pinoy, ay mga movies ni Lino Brocka.. Grabe.. Medyo rare na talaga sila kasi wala pang DVD noon.. syempre, black and white to low quality colored pictures pa noon.. Pero sa mga movie fanatics dyan, the thought of the movies are great.. Like, for instance, try checking out TINIMBANG KA NGUNIT KULANG.. siguro, bida dun si Christopher de Leon.. Ewan ko, sa mga movies kasi, to live in the picture, hindi mo dapat tinitignan yung summary.. in the end, ikaw dapat huhusga kung sino bida at kontrabida.. Basta.. yung movie kasi na yun, napakaganda niya.. as in, sa sobrang ganda, hindi ko na napansin na umiiyak na ako.. sinabi na lang nga sakin ni ermats na basang-basa na mukha ko.. Yun pala, hindi rin niya alam na siya rin, umiiyak.. Hehehe..

Yung mga Philippine movies na yun, mapapanood nyo lang yata sa encore tv... yung mga wee hours na sa Cinema One.. Hehehhe..

Ewan ko ba, tuwing mapapalipat ako sa Cinema One, puro John Lloyd at Bea nakikita ko.. damn yan.. ano bang klaseng mga pelikula yan..?! Napaka-imposibleng mangyari sa tunay na buhay.. ewan ko kung meron, pero, duh..?! Dapat bang i-encourage..?!Sa akin lang.. yang mga movie na yan.. Damn talaga.. Alam naman nilang malakas hatak niyan sa mga kabataan.. Yang mga movies na yan ang nag-uudyok sa kabataan na magka-syota.. yang mga "kilig" moments na yan, bwisit..! Akala tuloy ng iba, nararamdaman din nila yun.. Yan, napa-aga tuloy ang pagbubuntis..! Pwede ba, dapat, ang ganyang mga teen love stories.. pinapakita ng may sense.. yung totoong epekto niyan sa lipunan ang dapat ipakita..! Hindi yung puro butterflies, balloons and flowers..! Meron pang subuan ng cake at etc..!

My golly, tapos, ang common line naman sa script ng mga babae sa story.. mga tipong "Hay naku..!", "Ako ang may kasalanan..", "Teka lang..!" "Oh my God..!", "Leave me alone," , "Ano ba 'yan..?!"Syet..! What kind of movies are those..?! Kaya siguro natuluyan na si Lino Brocka dahil sa mga kahibangan ng henerasyon ngayon..

Tumataba na naman puso ko dahil sa galit at pagkasuklam.. ay! before I forgot, thanks nga pala sa mga taong sumuporta sa aming 2nd year, ewan ko, pero tumaas naman mean namin sa NAT.. hehehe.. Salamat po sa mga teachers na nagpakapagod na nag-review sa amin.. we owe it all to you.. Salamat po sa cheatmates ko, JOKE! hindi po ako nag-cheat from the bottom of my heart..! Salamat rin po, kay Lord, Lord God, by any means na nabasa niyo po itong masterpiece ko, limitless thanks po talaga.. And.. hmmmm, sino pa ba.. Thanks po sa parents ko, dahil ginising nila ako kanina.. Ummm.. Tsaka pala kay Mr. Marc Fajardo for my shoes, hair and make-up.. (hehehe ginawang bading..?!) Joke..! for the mp3 songs..! pwede bang magpalagay ulit..?!

NOW PLAYING:
Hanging by a moment - Lifehouse
Just say the word - Josh Kelley
Ladies and Gentlemen - Saliva
Alipin - Shamrock
Beautiful Soul - Jesse McCartney
Right now - John Cena
Prinsesa - 6cyclemind
Could not ask for more - Christian Bautista
Let me go - 3 doors down

2 comments:

Anonymous said...

Dallas, Texas, provide assistance on various services, especially in today's economy time to
buy real estate where the mortgage industry, and I buy this house for $1 million.

my web blog; Josh Stein Realtor

Anonymous said...

They will then have to obtain a permanent mortgage when the work is
completed to pay off the interim financing. These loans make for timely monetary assistance that helps saves your time,
energy and efforts as you can easily apply for them
online. Bad credit motorcycle loans (juliusqapl.skyrock.com) even supply financing for custom choppers and
motorcycles.