Thursday, March 15, 2007

Preparing for the dreaded NAT..

Hello!

Medyo mabigat na yung pakiramdam ko.. Ewan.. Pero parang masakit sa akin na mababa ako sa Filipino.. Noong una, 42 out of 60 ako.. Pero kanina nung nag-test kami ulit, 41 na ako out of 60..Isang linggong pag-rereview yun ah.. Pero mas lalo akong naguluhan dun sa exam.. Ako lang yata sa buong 2nd year ang nakakuha ng mas mababa kaysa nung una..

Nakakainis talaga.. Filipino lang yung subject na may 45 below ako na score.. Nakakasama ng loob.. Grabe.. Babagsak ako ngayong 4th quarter, I can feel it.. Grabe.. Kung alam nyo lang kung ano nararamdaman ko.. Parang nakikita ko yung takot at sakit sa mata ko pag tumitingin ako sa salamin.. Ewan ko na.. napakababa ko.. Hindi ko naman alam kung paano ako mag-aaral.. Grabe.. hindi na ako makakasama nyan sa Top10.. Parang napakasakit isipin sa lagay ko na pasado naman ako sa mga exam na binigay noong review, pero noong pre-NAT, wala na.. bumaba pa ako..

Tama na nga yan.. lalo ko lang dine-degrade yung sarili ko.. Seryoso na ito, babawi ako sa NAT na talaga.. mag-aaral akong mabuti.. Kailangan kong mapatunayan "sa iyo" na kaya kitang tapatan.. may kahinaan ka rin.. Kahit akala mo, perpekto ka.. iyan ang goal ko.. kahit man lang magkalapit tayo ng mean sa NAT, kahit siguro 2 points lang lamang mo.. Ewan ko kung kilala mo na kung sino ka.. Pero papatunayan ko sa iyo na mahal kita at gagawin ko ang lahat para masabayan ka.. ikaw ang inspirasyon ko.. Ewan ko, pero sa tingin ko, ikaw yata ang dahilan kung bakit distracted ako eh.. ang lagkit kasi minsan ng tingin mo.. Kung kilala mo kung sino ka, sabihin mo nga sa sarili mo na tigilan ako.. JOKE!
Honestly, binabawas-bawasan ko na yung "obsession" ko sa kanya.. Hehehe.. Don't worry, I learned my lesson a long time ago.. Hehehe.. sa mga hindi nakaka-alam.. Please check my previous posts.. As in yung dati kong blog..=)

NOW PLAYING:
Dani California - Red Hot Chili Peppers
I - 6 cyclemind
Say OK - Vanessa Hudgens
But its better if you do - Panic! at the Disco

No comments: