Tuesday, March 20, 2007

Top10 PC Games

Good evening po sa lahat!!Today is 03-16-07.. And its a Friday..Hehehe..
Honestly, Fridays have been a little crammy for me.. Paano ba naman, may Kumon ako kinabukasan ng umaga.. kelangan kong tapusin lahat ng worksheets ko..
Hay.. ano nga pala topic ngayon.. Hmmm.. Dahil computer games ang pinag-uusapan namin kanina.. yun na lang topic ko ngayon..OK..Ito TOP 10 PC games that I played (with experience yan!)

10 = Red Alert
Hmmm.. medyo tinamad kasi akong pagtiyagaan ito.. Paano ba naman.. ang bilis nung game.. gagawa pa nga lang ako ng mga resource collector, patay na ko kagad.. nakakabwisit talaga.. Ewan.. kasi ako yung tipong hindi nagtu-tutorial.. as in.. kapa-kapa ko lang yung unang game.. ewan, pero nananalo naman ako, kahit naghihingalo na.. Pero dito, OK naman yung graphics niya, medyo may pagka-2D nga lang.. Medyo unrealistic rin kasi parang kumplikado yung game..

9 = Command & Conquer GeneralsHehehe.. like noong sa Red Alert, medyo tinamaran ko rin ito kasi mabilis ang interface, same reason rin.. Pero dito, nakapanalo ako ng isang army.. pero talo rin sa huli.. ewan ko, pero ginamitan ko na ng strategy yung una kong laban pero hindi ko nadala yung resource ko.. as in said na pera ko.. Hehehe.. Maganda yung graphics.. Madaling i-strategize (may ganun bang word..?)..

8 = Battle Realms
Grabe, ito ang pinakamatagal na pinagkaguluhan kong game.. as in from Grade 5-6... Halos everyday ako nasa kompyuteran para lang dito.. Anyway, medyo monotonous kasi siya for me ngayon.. pero dati, as in mapapaisip ka talaga.. OK yung graphics niya.. Enjoy ko rin yung response ng mga characters.. Like.. "Yes, master.." , "Yes, my Lord.." ... Hehehe, para sa mga peasant yun.. Sa military, like.."I tend" , "I corrupt..".. Madali ko syang natutunan kasi simple lang yung controls tsaka normal yung flow nung game.. Dito ako namulat sa mga yin-yang, samurai, ballistics, acolytes, overseers, geishas, ronins... You can be, WOLF, DRAGON, LOTUS and SERPENT.. its cute.. hindi masyadong malaki yung space niya sa hard drive, hindi magastos sa run time.. And talagang maaadik ka..

7 = Max Payne
Role-Playing game po ito.. OK yung storyline niya.. Parang Counter-Strike yung dating niya pero may drama.. Talagang pinag-tiyagaan ko 'to kahit na paulit-ulit akong nababaril.. Hehehe.. OK naman yung graphics niya kaya lang, bulky yung ibang characters. Pero, to think of it, malaki yung improvement niya mula sa simpleng family computer game.. So, I have to credit this game dahil nag-enjoy ako kahit mission failed lagi.. Hehehehe...

6 = Warcraft
Taka siguro kayo kung bakit mababa lang rating niya.. Hehehe.. Medyo nakakasawa kasi sya.. Medyo masakit rin sa mata yung graphics.. Pero maganda yung campaign niya.. Ewan, pero lantaran kasi cheats ko dito eh.. Maganda yung flow noong game.. OK rin yung gore factor niya.. as in dumadanak yung dugo.. Weird & interesting yung mga characters kaya meenganyo kang maglaro.. Hmmm.. Kaya nakapagtataka kung bakit maraming adik sa DOTA.. Hmmmm.. siguro dahil naka-network kaya uso ngayon.. Para rin siyang Battle Realms.. For me, mas nauna yung Battle Realms kaysa dito.. Ang counterpart ng Night elf is Wolf.. Human is to Dragon and Serpent, Undead is to Lotus.. Ewan ko na lang sa Orc, napaka-weird talaga noong clan na yun..

5 = Bloodrayne
Hehehe.. Grabe itong larong ito.. swak sa panlasa ang characters kahit medyo bulky, maganda yung flow ng lahat.. kahit movement.. Kahit yung magic powers.. Meron pang slow motion kapag record-breaking yung move mo.. Hehehe.. RPG pala ito.. you play RAYNE, babaeng assassin na vampire.. (hindi yung fan club ng Chicosci) OK.. Bawat mission mo, makakakuha ka ng pera.. Tapos makakabili ka ng outfit, weapons, ang syempre, training session for power development.. Ang saya nga eh.. malakas talaga gore factor nito.. Lahat yata sa katawan niya, nakakamatay.. mula takong ng sapatos hanggang korona sa ulo, nakakapugot ng ulo.. Tapos, nakaka-regain siya ng health kapag kinakagat niya yung 50-50 na kalaban.. As in sasabit siya sa sa victim tapos lalapain yung dugo.. Hehehe.. Napaka-ganda noong weapons.. Sweet ang graphics kahit background lang.. Ummm.. this is certified na nakaka-adik.. And kung medyo bastos kayo, OK rin itong game kasi sexy at napaka-seductive ni Rayne..

4 = Dungeon Siege
RPG po itong game na ito.. Dito naman ako namulat sa Ragnarok-like games na kelangang mag-develop ng ability, maganda ang iyong inventory.. tsaka marami ka dapat datung.. Maganda yung graphics niya and talagang hindi ka titigil hangga't hindi mo tapos yung mission.. Kaya ko naiintindihan kung bakit maraming adik sa RPG games.. OK yung mga characters, may subtitles kaya naiintindihan ko naman,.. Medyo natagalan ako kasi masarap gamitin lahat ng abilities.. from melee combat to archery, from healing to offense magic.. Talagang gusto mong gamitin lahat.. Kaya nga hindi ako maka-master sa isang field.. As in.. its nakaka-adik.. Maganda yung graphics niya kahit nakazoom-in.. Tsaka hindi ka magsasawa kasi hindi monotonous yung flow noong game.. may mga kabuteng sumusulpot na problema.. Pwede ka ring magsama ng colleague.. Syempre, binibili yun..

3 = Rise of Nations
Strategic game po ito.. Impressed lang talaga ako sa game na ito kasi you get to enjoy conquering neighbors, at the same time, learn about the history of a nation.. Realistic yung game and educational kahit konti.. As in you must help your nation advance.. papaunlarin mo sila to the very advance age.. Bilib din ako sa Conquer the World campaign niya.. As in, you live the dream of conquering the world.. para siyang game of chess.. as in, kailangang suportado ang mga areas mo dahil hindi mo alam kung sino aatake sa iyo.. Kahit na nakakapagod, masarap isiping "I CONQUERED THE WORLD.. ".Astig rin yung mga weapons of mass destruction, stealth bombers, rockets, spies, tanks and higit sa lahat.. wonders.. each wonder you build gives you either economic or military benefits.. Grabe talaga.. Pero sorry to say, pinipitik ko na lang yung mga laban kasi ginagamitan ko na sila ng strategy.. Hehehe (Yabang..!)

2 = Age of Mythology (with expansion)
Grabe itong strategic game na ito.. dito ko naramdaman ang passion ko sa ancient civilizations.. As in ang ganda niya.. dito, you get to explore what the ancient people are doing.. what they're thinking about their gods and goddesses.. napaka-imaginative talaga ng mga tao noon.. Hehehe.. Superb ang graphics.. lalo na yung map na Erebus.. Hehehe.. Yung mga characters rin, PWEDE..! Miss na miss ko na tong game na ito.. Hmmm.. Grabe rin yung mga God powers nila (lalo na nung sa Atlanteans)... Masayang laruin talaga.. gagamitan mo rin siya ng strategy.. Hmmm.. weakness..? tulad rin ng ibang games.. may mga times na may narcolepsy ako kaya pinagsasawaan ko na.. medyo mahina rin ang gore factor.. Pero to summarize, this game is superb, kahit saang anggulo mo tignan, may maipagmamalaki sya.. graphics, content, new knowledge.. Lahat na!! Grabe.. this game is highly-recommended..
And the NUMBER 1 game I EVER played....

1 = SIMS 2
Kung titignan, ito lang yung PC game na malaki ang kaibahan sa iba.. Kasi nga, reality game siya.. hindi siya for dominance.. Parang you get to do what you want.. You live the life of a simulated character and you get to fulfill his/her needs.. Never naging pa-easy-easy ang laro ko dito, umiinom pa ako ng amphetamine para malaro ko ito.. Siguro naman, sa mga makakabasa nito, nakalaro na kayo ng SIMS.. Dito, lumalaki yung mga tao, may bagong set ng trabaho, may totoong sexual intercourse.. As in napaka-social niyang laro.. Kung enjoy kayo sa SIMS, mas mag-eenjoy pa kayo dito.. Eh pano pa kaya kapag nag-install ako ng expansion nito..? Eh di sasabog na yung fuse namin ng kuryente.. Hindi ko na talaga titigilan ito.. Mas customizable yung mga characters, may storyline ang bawat neighborhood, may family tree sila.. may history, may mga kontrabida, may bida.. Parang you get to live another life nga.. The only very irritating problem about it is.. Napakalaki ng space niya sa hard drive.. As in todo-slow yung PC mo kapag active siya.. Siguro, babagal ang tugtog sa Winamp kapag nilalaro mo siya.. Matagal rin mag-load.. lalo na kapag kopong-kopong pa PC mo.. As in nakatapos ka na ng isang game show, hindi pa rin tapos.. Selosa rin kasi itong larong ito, you need to uninstall other games.. Ewan ko na lang kung bumili ka pa ng extrang drive.. Pero, kung tutuusin, worthwhile siyang past-time at the slow-mo is worth it..


NOW PLAYING:
Stuck - Stacie Orrico
Bodies - Drowning Pool
Harder to Breath - Maroon 5
Say OK - Vanessa Hudgens
Gallery - Mario Vasquez
Power trip - Monster Magnet
Sway - Pussycat Dolls
Famous Last Words - My Chemical Romance
Tunay na pag-ibig - April Boys
Sweet Escape - Gwen Stefani
Could not ask for more - Christian Bautista
Will you ever learn - Typecast
Its not over - Chris Daughtry
Lying is the most fun a girl can have without taking their clothes off - Panic! at the Disco
First cut is the deepest - Sheryl Crow
Kryptonite - 3 Doors Down

No comments: