Monday, April 23, 2007

04-14-07

Good day po sa mga gifted na taong nagbabasa ng blog ko!

Hay naku, its a Saturday.. And thankful ako ngayong araw na to kasi kumpleto kami sa bahay.. Medyo madalas na kasing umaalis si Papa eh.. Alam mo naman.. He really wants our house to be perfect.. Medyo malayu-layo rin yung nilalakbay niya kasi may project siya sa Lucena City.. Pero OK lang kasi nakaka-uwi naman siya ng ligtas.. =)

Nakita ko na pala yung bahay namin sa Pasig.. Medyo hindi pa tapos.. So I think hindi pa ako lilipat sa pasukan.. Painted white na yung labas, honestly, mukha nga siyang building eh.. Commercial building.. Pero magandang commercial building.. OK na naman yung loob, medyo kulang pa sa buhay pero siguradong hindi na yun tatahimik kapag lumipat na kami..

OK.. May volleyball clinic kami kaninang umaga sa gym ng ADB.. (Asian Development Bank).. OK naman, I made new friends.. Medyo enjoy ako sa mga lessons kanina.. May stretching, jogging, running.. etc.. Hehehe.. bagsak lang ako nung naghahabol na ng bola.. Ang hirap naman talaga eh.. Hahabulin mo yung bola from opposite sides tapos kelangan tamaan mo pa yung target.. Ang hirap kasi.. Bagsak din ako sa pag-kontrol nung bola, katapat ko na nga yung target, napupunta pa sa kabilang court yung bola.. (Whew!) Pero to tell you, excited pa rin ako, kasi alam kong mas sexy na ako sa pasukan..=)

Pag-uwi, nanood kami ng wowowee.. Hay naku, no choice na talaga ako kasi suki na ng wowowee yung mga kapatid ko.. Naglulupasay pa nga kapag nililipat ko eh..
Anyway, nakakainis talaga yung talent portion ng mga contestant.. Hmmm.. Hindi nga dapat talent portion ang tawag dun kasi hindi naman talent yung pinapakita nila.. (bad girl!) Anyway, medyo masaya naman kapag nagpapatawa si Willie pero kapag halatang gusto ng acting career yung contestant, nakakainis na, tinatakpan ko na ng throw pillow yung mukha ko.. Ayoko nang makinig..=)

Hay naku, I promised myself na hindi ako sasali sa wowowee ffffffffffoooooooorrrreeeeeeeevvvvvvveeeeeeerrrrrrr....!!!!



NOW PLAYING:
Someday - Nina
Power trip - Monster Magnet
What you gonna do? - Natalie
Ice box - Omarion
Lying is the most fun a girl can have without taking their clothes off - Panic! at the Disco
The sweet escape - Gwen Stefani

No comments: