Monday, April 23, 2007

Adik na naman..

Hello po sa inyong lahat!

Well, maganda naman po ang araw ngayon.. kahit mainit..
Anyway.. Obviously, umiikot ang summer ko ngayon sa mga PC games.. kaka-SIMS 2 ko lang kanina.. And to tell you, naka-uwi na po yung aking Sim na si Vidcund Curious mula sa UFO ang buntis na po siya! And to think of it, lalaki po siya.. Kapapanganak lang rin ng kapatid niyang si Pascal Curious, and babaeng alien po ang anak niya.. Hindi po ako nagbibiro! Totoo pong nakakabuntis ng lalaki ang mga alien!

To tell you, hindi lang ako adik ngayong summer sa PC games, pati na rin sa PS2.. Hehehe.. Hindi rin naman Sims 2 ang nilalaro ko kahit na meron kaming console..

hehehe... Adik ako ngayon sa Grand Theft Auto.. Especially Liberty City and San Andreas.. Lalo pa ngayon na may cheat yung kapatid ko.. Hehehe.. ilang pindot lang, may tank ka na! Talsikan rin ang dugo kapag pumapatay ako ng pedestrian gamit ang katana..! As in talagang isang tira lang, pumipilantik na yung dugo mula dun sa ulo!

Teka, teka, masyado na yata akong sadista nyan..

Ibahin naman natin yung topic.. Adik rin ako ngayon sa Resident Evil 4.. Talagang napapatayo ako sa tuwing may zombie na lalapit.. Nakakatakot naman talaga eh.. kapag wala kasing zombie, walang background music.. as in tahimik yung lugar, wala kahit mga ibon.. Pero kapag nandyan na yung mga zombie, tutugtog na yung music.. Yung music, talagang nakakakabog ng dibdib... Napapatili pa nga ako minsan eh.. Nagagalit na nga sa amin yung mga katulong kasi nagigising si Oyei (bunsong kapatid)... Hehhehehe..! Napapatalon na talaga ako.. Lalo na yung isang move na huhulugan ka ng boulder ng mga zombie tapos kelangan mong takbuhan..!! As in ilang inches na lang talaga yung layo nung bato na yun tapos muntik pa akong mag-collapse sa kapipindot nung X button..! As in talagang dumidikit na yung ilong ni Leon sa bato! WAAAAA!!! Nakatayo pa ako habang nilalaro yun ah! Nagtatatalon na kaming magkakapatid!! (Its true!)
Hehehe! 4 na beses akong namatay dun sa scene na yun..

Iba naman ang scenario ng next chapter.. Nasa isang bahay kasi ako.. Tapos paglabas ko, may naka-abang na mga zombie, yung isa dun, MAY HAWAK NA CHAINSAW!!!

Talagang halos maiyak na ako sa kaba, kasi hindi siya namamatay (patay na mga ang mga zombie eh..) kahit anong baril ang gamitin ko! As in tinira ko na ng flash grenade, incendiary grenade, shot gun, TMP, handgun, pati nga yung brown chicken egg na nakuha ko dun sa kitchen, ginamit ko na.. Pero hindi na rin natutumba! Eh ito pa masaklap, isang tira lang niya sa akin, pugot na kagad ulo ko... As in 6 times na kong namamatay dun..!

Sige! tawanan niyo na ko kung gusto niyo! nakakainis naman talaga eh! Kayo kaya! sigurado akong madadala rin kayo ng takot!

Hehehe.. Pero inspired ako kapag naglalaro ng Resident Evil 4.. Kasi gwapo talaga yung bida.. Si Leon S. Kennedy.. As in siya na ang pinakagwapong game character na nakita ko buong buhay ko.. Napaka-masculine niya, makinis ang mukha, maganda yung boses.. Astig talaga.. Para sa aking music addict, kung sakaling magkaroon siya ng banda or kumanta ng solo, at naging recording artist siya, bibilhin ko ang album niya na original.. Hindi ako magda-download.. Hehehe.. As you all know naman, never akong bumili ng orig album ever in my life.. download lang.. Pero for the sake of my love, bibili ako ng orig album..
Hay naku..! Basta! Obviously, dahil sa matinding attraction ko sa kanya, #1 na siya sa Top 25 crushes ko.. Hehehe.. Talo pa niya yung mga crush ko na totoong tao..

Tulad na lang ni Mr. Float.. Mr. Float.....
I wish you were here...



NOW PLAYING:
Just say the word - Josh Kelley
How to touch a girl - Jojo
Way back into love - Grant & Bennett
Dig - Incubus
Lay your hands - Simon Webb
Una - Spongecola
Boston - ? (Sorry, hindi ko alam yung name nung artist eh..)
Run - Hazen Street
Lean back - Fat Joe
Wish you were here - Incubus
Your guardian angel - Red Jumpsuit Apparatus (ang ganda nito!)

No comments: