Monday, April 9, 2007

Apocalypto

Good morning! Today is a manic Monday.. April 2...Happening now, is the much-awaited WRESTLEMANIA 23...
Sad to say, hindi ako makakanood ng live kasi busy ang parents ko today... Sabi nila, manonood na lang kami sa encore screening.. Ewan ko.. Basta..! Mas marami pa akong aalalahanin ngayon kasi naipon yung mga Kumon worksheets ko simula noong Sabado pa.. 3 tuloy sasagutan ko ngayon.. Bago pa ako magsagot, tinatamad na ako.. Hay ewan!
OK.. Matagal ko na itong dapat i-topic kaya lang, I've been busy..APOCALYPTO by Mel Gibson..
Hay naku, umiikot ang summer ko ngayon sa mga movies.. na sa tingin ko, talagang mga masterpieces...
Its about a hunter.. in an Aztec tribe.. Habang naghuhunting sila sa gubat, may naabutan silang ibang tribo na nagmi-migrate kasi ni-ravage yung village nila.. Natakot na yung hunter.. Tapos nagkaroon siya ng premonition na mangyayari rin sa village nila yun.. Kinaumagahan, nangyari nga.. para maitakas yung asawa niyang buntis tsaka 5-year old niyang anak, binaba niya sila sa isang bangin.. Tapos pinagtanggol na niya yung iba niyang ka-tribo.. Sa kasamaang palad, nahuli siya.. muntik na ring nahuli yung mag-ina niya.. Pero nakapagtago sila.. Kaya lang... pinutol nung soldier yung lubid.. hindi tuloy makaakyat pabalik yung mag-ina niya..
Yung mga nahuli, dinala sila sa isang Aztec city kung saan sinasacrifice ang mga bihag to empress a god.. As in you'll eat your heart out kapag nakita mo kung paano sila patayin.. Sa mga naglalaro ng Rise of Nations dyan.. Or any game na may Aztec community, sure kong makaka-relate kayo dahil napakasignificant pala ng mga temple nila.. Lalo na yung style ng sa TEMPLE OF TIKAL.. As in.. Napakagaling ng pagkakagawa.. As in parang pati yung pag-gulong nung mga pugot na ulo pababa ng hagdan ay parang choreographed.. Hehehehe..! Basta panoorin nyo! Kahit sa YouTube man lang!
Eh di yan.. Syempre, dahil bida, hindi umabot yung turn nung hunter.. Kaya ginawa na lang silang mga target para sa ibang soldiers.. Nakatakas siya nung turn na niya kahit natamaan siya.. Ayan, umabot na sa gubat yung paghahabulan..! Grabe.. you should really see those carcasses! Talagang pati pagtalamsik nung dugo sa ulo, PARANG CHOREOGRAPHED..! Hehehehe.. To cut it short.. Natapos yung habulan nila sa isang phenomenon na nagpabago sa history ng buong mundo.. As in, hindi lang Aztec empire ang nasira sa pagdating nila.. Napakaraming kingdoms ang tumanggap sa kanila.. Anyway.. Hindi ko sinasabing mali ang ginawa ng mga dumating na iyon.. Pero, sabi nga nung bida sa bandang huli.. Ang mga katulad niyang nabigo ay naghahangad ng bagong simula.. Pero ibang klaseng simula ang dumating sa iba.. Ewan ko.. Pero parang natalikuran ko na naman kung ano ako.. Parang namulat ako sa mga nasira ng aking pinaniniwalaan.. Hay naku.,. Masyadong kumplikado ang mga pinagsasasabi ko.. But I know.. If you see the movie.. You'll also find it hard to express it in words.. =)
APOCALYPTO by Mel Gibson.. Grabe..! Isama niyo na 'to sa "MOVIES TO SEE BEFORE I DIE" list..!!!

NOW PLAYING:
Borrowed Time - Cueshe
Just say the word - Josh Kelley
Dig - Incubus (I love this song!)
Anghel - Stonefree
Take me away - Stacie Orrico
Ice ice baby! - Vanilla Ice (Syet! Classic!)

No comments: